Patay ang 31 indibidwal matapos uminom ng toxic alcohol sa India.
Ayon sa mga otoridad, patuloy pang nagpapagaling sa ospital ang iba pang biktima makaraang makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at panlalabo ng mga mata.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, ang nasabing alak ay ibinibenta umano sa blocked market sa murang halaga kung saan, kaya nitong pataasin ang blood sugar level ng isang tao.
Posible ding makaranas ng pagkahilo, at mataas na presyon ng dugo ang makakainom nito na nagresulta sa pagkamatay ng mga biktima.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng mga otoridad kung saan nanggaling at sino ang nasa likod ng paggawa ng naturang alak.