Nasa Pilipinas na ang mahigit 300 Pilipino mula sa Lebanon na napilitang umuwi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa Office of the President (OP), ang mga Pinoy ay dumating sa Maynila sakay ng isang special chartered flight na bahagi ng repatriation at goodwill missions ng gobyerno.
Kasama sa dalawang araw na misyon sa nabanggit na bansa ang pamamahagi ng pagkain sa Filipino community at pag-turnover ng medical supplies sa ilang grupo at ospital.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kinauukulang ahensya na sunduin ang mga kababayan nating apektado ng krisis sa naturang bansa.