Higit 3,000 drug personalities ang napasuko sa isang buwan ng Oplan Tokhang o mula Enero 29 hanggang Marso 1.
Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. John Bulalacao, wala ni isa sa mga sumuko ang pumalag o nanlaban.
Pinakamarami ang sumuko sa Northern Mindanao na may 405 at Metro Manila na may 240.
Ayon kay Bulalacao, isasailalim ang mga sumuko sa recovery and wellness program ng PNP, Department of Health at mga local government units.
Inihayag din ng opisyal ang obserbasyong kumukonti na lamang ang mga gumagamit ng salitang Tokhang kapag ang tinutukoy ay mga patayan sa giyera kontra droga.