Nagpaliwanag ang Cebu Pacific sa mga nakanselang flights nila dahil sa iba’t ibang factors.
Kabilang ditto, ayon kay Charo Logarta-Lagamon, spokesperson ng Cebu Pacific ang technical problem na hindi naman aniya agad-agad maaayos.
Sinabi sa DWIZ ni Lagamon na bukod ditto, peak season sa mga panahong ito kayat nagkakaroon ng air traffic.
Peak season ngayon napakaraming flights, lalo na dito sa Manila. So, meron tayong situation of air traffic… itong mga factors na ‘to, nagkakaroon ‘yan ng domino effect sa ating operation and so hindi na naililipad sa tamang oras or ‘yung ruta niya hindi na niya natutupad para po makahinga ‘yung network kasi nabubulunan na siya. Kailangan nating magtanggal ng ilang flight para makahinga ‘yung network at maibalik natin sa normal.” paliwanag ni Lagamon.