Maaaring agarang ipasara ng lokal na pamahalaan ang mga dayuhang restaurant na mamimili ng nasyonalidad ng tatanggaping customers.
Tinukoy ni Undersecretary Ruth Castello ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga Chinese restaurants sa bansa na hindi tumatanggap ng mga Pilipinong customers.
Ayon kay Castello, inaksyunan na rin nila ang mga nakarating sa kanilang reklamo laban sa isang Chinese restaurant sa Las Piñas city.
Meron na kaming mga natignan na restaurants pero hindi po kasi puwedeng ang restaurants natin ay mamimili ng against race. Kasi po pagka kumuha ng business permit for a restaurant or a fastfood chain or whatever, ibig sabihin po, open to the public. So kung open to the public po, hindi sila pwedeng magdiscriminate against race or nationality. Pwede pong i-revoke agad ng LGU ‘yung permit niya.” ani Castello.
Kasabay nito, nilinaw ni Castello na hindi rin nila pinapayagan ang mga dayuhang investors na makipag kumpetensya sa mga small and medium enterprises o maliliit na negosyo sa bansa.
Una nang nang nanawagan si Senador Panfilo Lacson na ipasara ang mga discriminatory restaurants sa sarili nating bansa at tignang mabuti ng DTIat LGUs ang mga dayuhang negosyo na direkta pang kumakalaban sa maliliit na negosyo sa bansa.
’Yung SMEs (Small and medium-sized enterprises) natin, ‘wag nang lagyan ng foreigners or ‘wag na pong i-allow ‘yung foreigners sa maliliit na businesses. Meron po kaming mga ganyang policies kagaya po sa construction, meron pong nirerequire na P1-B for foreign-owned company na kailangan po meron siyang investment sa ganon kasi ayaw nga natin silang maki-compete pa du’n sa maliliit pa na construction company.” dagdag pa nito.
Ratsada Balita Interview