Opisyal ng nagtapos ang 31st Association of Southeast Asian Nations Summit kasabay ng pagtatapos din ng chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN.
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang turn-over ceremony ng chairmanship sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki ni Pangulong Duterte ang mga naging tagumpay ng summit ngayong taon.
Malugod namang tinanggap ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong mula kay Pangulong Duterte ang ASEAN chairmanship para sa susunod na taon.
SMW: RPE