Aabot sa 32 barko ang tutulong sa paghahatid ng mga pagkain at mga pasaherong nastranded dahil sa bagyong Odette.
Ayon sa Maritime Industry Authority (MARINA), isasakay sa mga barko ang mga relief goods upang ipamahagi sa mga pamilyang apektado ng bagyo kabilang na ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Nabatid na hinikayat ni Administrator Robert Empedrad, ang mas marami pang Domestic Owners at Ship Operators na mag-apply ng special permits para sa mga apektadong lugar na higit na nangangailangan ngayon ng kanilang tulong.
Siniguro naman ni Empedrad na mabibigyan ng priority consideration ang pag-proseso ng mga ganitong aplikasyon.
Sa ngayon nasa 12 barko ang operational habang magbabalik operasyon palang ang nasa 19 pa na barko.
Nangako naman ang MARINA na patuloy nilang ipapatupad ang mga polisiya upang maiwasan ang pagkaantala sa paghahatid ng mga donasyon para sa mga biktima ng bagyong Odette. —sa panulat ni Angelica Doctolero