Binigyan ng eviction order ng Department of Environment and Natural Resources ang nasa 32 establisimyento sa El Nido, Palawan.
Ito ay matapos lumabag ang mga ito sa 3-meter easement zone mula sa dagat na natuklasan ding may mataas nang lebel ng coliform o bacteria na nakukuha sa dumi ng tao o hayop.
Ayon kay Felizardo Cayatoc ng DENR-Palawan, kailangan mai-demolish ang naturang mga establisimiyento sa loob ng 30 araw.
Umapela naman ang mga may-ari ng 32 gusali sa El Nido na palawigin ang ibinigay na deadline hanggang sa matapos ang tag-init.