32 hinihinalang miyembro ng mga private armed group sa Laguna ang arestado ilang araw bago ang halalan sa Lunes.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, i-aanunsyo nila sa mga darating na araw kung may kinalaman sa eleksyon ang mga aktibidad ng mga nasakote o kung may kaugnayan sa sinumang lokal na kandidato sa lalawigan.
Pinuri naman ni Garcia ang mga otoridad na naka-aresto sa mga hinihinalang private armed group member.
Sa ngayon, umabot na sa isandaan at limang bayan at 15 lungsod ang isinailalim sa red category.