Patay ang 32 miyembro ng Islamic State sa ginawang pag-atake ng US led coalition sa Syrian City ng Raqqa.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, maliban sa mga nasawing IS militants ay sugatan din ang 40 miyembro ng mga ito.
Tinatayang nasa 15 bomba ang pinakawalan ng US led coalition kontra IS.
Ang naturang bilang ng casualties ay mula sa iisang ospital lamang sa Syria kaya’t inaasahang lolobo pa ang bilang nga mga nasawi at nasugatan sa naturang airstrikes.
Matatandaang Setyembre pa ng 2014 nang sinimulan ng Estados Unidos ang pagpulbos sa puwersa ng IS sa Syria.
By Ralph Obina