Nakapagtala ang Central Visayas ng 32 kaso ng delta variant nitong Huwebes.
Ayon sa mga health official, ang nasabing bilang ng kaso ay galing at nakita sa lalawigan ng Cebu.
Labing siyam ay mula Lapu-Lapu City, anim sa Cebu City, tatlo sa Mandaue City at dalawa naman sa Cordova.
Ayon pa sa DOH Region 7 ,maituturing na recovered na ang mga naitalang kaso ng Delta variant at walang dapat ipangamba dahil epektibo ang bakuna laban dito.
Napagkasunduan naman ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia, mga Alkalde at mga health official na buksan lahat ng local health units para maging first responders para sa mga suspected COVID-19 cases bago dalhin sa mga hospital.—sa panulat ni Rex Espiritu