32 kalalakihan ang inaresto ng mga otoridad dahil sa umano’y harassment sa Biñan, Laguna.
Ayon sa mga otoridad, limang lalaki ang umano’y nang-harass sa idinaraos na voters education training sa Barangay San Vicente at naghahanap umano sa Barangay Chairman.
Isang pulis naman na nakatira malapit sa lugar ang nag-usisa sa kaguluhan subalit kinuyog ito ng mga suspek at sinubukang agawan pa ng baril.
Sumaklolo naman ang mga residente na nagsabing hindi nila kilala ang mga naturang lalaki.
Kaagad ding nakaresponde ang SWAT ng Biñan PNP at dinakip ang mga kalalakihan na mga retiradong sundalo, security guards at umano’y protection agents.
Una nang napaulat ang pagdasting sa Biñan City ng 120 kalalakihan na nagrenta ng apartment sa lungsod.