Umakyat na sa 32 ang bilang ng mga nasawi sa panibagong pag-atake sa Kabul, Afghanistan.
Bukod dito, ayon kay Health Ministry spokesperson Waheedullah Mayar, 58 iba pang ang nasugatan sa insidente.
Nabatid na napatay din ng Security forces ang 3 sa mga salarin.
Sinasabing nangyari ang pag-atake habang nagaganap ang seremonya na dinaluhan ng isang opposition leader bilang bahagi ng paggunita sa pagkamatay ni political leader Abdul Ali Mazari na pinaslang ng mga taliban fighters noong 1995.