Nasawi ang 32 katao, habang 110 katao naman ang sugatan sa isang palengke sa Baghdad,Iraq dulot ng dalawang lalaking suicide bomber na pinasabugan ang kanilang sarili ayon sa mga otoridad.
Naganap ang naturang pagbomba sa Tayaran Square isang pamilihan ng mga damit sa Baghdad kung saan noong Enero 2018 naganap rin ang parehas na pag-atake na ikinasawi ng 27 katao.
Ayon kay Civil Defense Chief Major General Kadhim Salman posibleng pag-atake ito mula sa teroristang grupo na Daesh.
Samantala, nagpagtawag naman agad ng pagpupulong si Prime Minister Mustafa al-Kadhimi upang pag-usapan ang naturang pag-atake na ngayon lamang ulit nangyari sa nakalipas na 3 taon.—sa panulat ni Agustina Nolasco