Umakyat na sa 32 ang bilang ng mga miyembro ng parliament ng Democratic Republic of Congo na nasawi dahil sa COVID-19 mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Ayon kay Jean-Marc Kabund, first vice president ng lower house ng parliament, nasa 31,248 na ang kumpirmadong kaso sa kanilang bansa habang 780 naman ang nasawi, kabilang ang mga miyembro ng parliyamento.
Kahit inoobliga ang lahat na magsuot ng face mask ay marami pa rin umanong mambabatas ang nakikitang nakikipagkamay at nakikisalamuha sa publiko at sa mga kapwa nila parliament members nang walang proteksiyon laban sa virus.
Nabatid na takot din umanong magpabakuna ang maraming mamamayan ng Congo dahil sa pangambang magdudulot ito ng masamang epekto sa kanilang katawan o kalusugan.