Nangako ng 32 milyong dolyar na tulong ang Amerika para sa pagpapalakas ng law enforcement ng bansa.
Ipinabatid ito ni Presidential Spokesman Ernesto Abella matapos ang courtesy call ni US Secretary of State John Kerry kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Abella, naging malawak ang talakayan ng Pangulo at ni Kerry sa iba’t ibang pandaigdigang isyu tulad ng terorismo, krimen, droga, religious fanaticism at maritime security at naghayag ng mga paraan kung paano masolusyonan ang mga ito.
Napag-usapan din nina Pangulong Duterte at Kerry ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA at tiniyak ang suporta sa anumang hakbang na gagawin ng Pilipinas.
By Meann Tanbio
Photo Credit: Malacañang Photo Bureau