Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na kasabay ng 52nd anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP), 32 namang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Agusan Del Norte ang nagbalik loob sa pamahalaan.
Ayon sa PNP, ilan sa mga sumukong NPA members ay mga squad leaders, militia ng bayan, at mass supporters ng CPP-NPA na mula sa ibat-ibang lugar ng Agusan Del Norte.
Sinabi ni PNP Chief Police General Debold Sinas, na resulta ng pinaigting na localized peace advocacy ng gobyerno ang matagumpay pagsuko ng mga dating miyembro ng NPA.
Pahayag ni Sinas, bukas ang pambansang pulisya para sa mga CPP-NPA members na magbabalik – loob sa pamahalaan at handa nang mapabilang sa malayang lipunan.
Samantala, itinurn-over naman ng mga mga surrenderees ang isang submachine gun, isang M14 rifle, 11 12-gauge shotguns, at anim na handguns.
Inatasan naman ni Sinas ang mga tauhan nito na ibigay sa 32 returnees ang government benefits na para sa kanila sa ilalim ng enhanced comprehensive local integration program.
Base sa impormasyon ng PNP, marami pang kasapi ng NPA ang nagnanais na sumuko at muling makapamuhay ng normal kasama ang kanilang mga pamilya.