Humirit ng performance bonus ang 32 mga Government Owned Controlled Corporation (GOCC) kabilang ang Social Security System (SSS) dahil sa umano’y magandang performace noong 2015.
Ipinagmalaki ni SSS President Emilio de Quiros, ang P32 billion investment income ng ahensya kasama pa ang 10 porsyentong pagtaas sa collection at benefits ng mga miyembro.
Bukod sa SSS, kabilang sa mga humiling na mabigyan ng bonus ang Home Development Mutual Fund o PagIbig Fund, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Duty Free Philippines, National Food Authority, Philippine Charity Sweepstakes Office at iba pa.
Sinabi kay Governance Commission on GOCC Spokesman Atty. Paolo Salvosa, hindi lamang ang pinansiyal ang batayan para makakuha ng bonus kundi maging ang social impact at internal process ng mga ahensya.
Isa hanggang dalawa at kalahating buwan ang maaring matanggap na bonus ng mga empleyado depende sa kanilang naging performance.
By Rianne Briones