Binabantayan ng mga doktor mula sa iba’t ibang ospital sa Central Luzon ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na galing ng Wuhan, China at ngayon ay nakaquarantine na sa New Clark City.
Ayon kay Department of Health (DOH) secretary Francisco Duque III, walang kahit isa sa 32 na nagparepatriate ang nakitaan ng kahit na anong sintomas ng sakit.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yung 30, ang sa amin kasi 32 [OFWs]. 32 ang bigay na report sa akin,” paglilinaw ni Duque.
Maliban anya sa mga OFWs, kasama nilang nakaquarantine ngayon ang limang doktor ng DOH na kasama sa sumundo sa Wuhan, tatlo mula sa consulate office, anim na plane crew, dalawang driver at isang porter.
Kasabay nito ay iginiit ni Duque na walang basehan ang takot ng mga nakatira sa paligid ng lugar na ginagamit bilang quarantine area.
Karamihan, pag nagkaroon ng sintomas, malamang pagkatapos mong i-test, doon mo ma-e-establish kung talagang meron o wala (positibo o negatibo sa virus). Hindi mo masasabing siguradong-sigurado ka without doing the testing,” ani Duque. —sa panayam ng Ratsada Balita