Umakyat na sa 8,506 ang bilang ng mga Pilipinong dinapuan ng COVID-19 sa labas ng bansa.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 32 pang impeksiyon sa hanay ng mga Pinoy abroad.
Sumampa naman sa 5,131 bilang ng mga gumaling kasunod ng paggaling ng 30 pang pasyente.
Samantala, lima pang Pinoy sa ibayong dagat ang nasawi dahil sa COVID-19 dahilan upang pumalo na sa 554 ang bilang ng mga iginupo ng nasabing sakit.