Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga pulis at mga nagkilos protesta matapos gumuho ang isang gusali sa Southwestern Iran na ikinamatay ng 32 indibidwal.
Ayon sa mga otoridad, ang nasabing riot ang naging dahilan para magpaputok ng mga tear gas ang hindi pa nakikilalang mga salarin kung saan, natabunan ng mga debris ang mga nasawing biktima.
Nabatid na direktang hinamon ng demonstrasyon ang Iranian Government na tugunan ang problema sa kalamidad maging ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin partikular na sa pagkain at iba pang problema sa ekonomiya bunsod na rin ng COVID-19 pandemic.
Bukod pa diyan problema din ng naturang bansa ang paglimita sa produkto ng langis na pinaka kailangan sa Iran.
Dahil dito, naaresto ang 13 suspek na ngayon ay hawak na ng mga otoridad.