Nilinaw ngayon ng Philippine National Police (PNP) na walang nasawi sa nangyaring pagsabog sa Hilongos, Leyte.
Ayon kay PNP Region 8 Director Chief Superintendent Elmer Beltejar, 32 ang nasugatan sa insidente.
Labing anim (16) sa mga ito ang nagamot na habang naka-confine naman ngunit nasa stable nang kondisyon ang natitira pang anim.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, isa lamang sa dalawang 81 millimeter mortar ang sumabog na ginamitan ng cellphone bilang triggering device.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad kung sino ang mga nasa likod ng naturang pambobomba.
Samantala, muli namang nagpaalala si AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla sa publiko na maging mapagmatyag at agad na ireport sa mga awtoridad ang mga kahinahinalang bagay o tao.
By Ralph Obina | Jonathan Andal (Patrol 31)