Sumampa na sa tatlumpu’t dalawa (32) katao ang sugatan sa pagsabog ng dalawang improvised explosive device sa bayan ng Hilongos, Leyte.
Dakong alas-9:00 kagabi nang maganap ang pagsabog sa gitna ng isang boxing event sa Plaza Rizal bilang bahagi ng selebrasyon ng pista sa naturang lugar.
Inaalam na ng Leyte Provincial Police Office kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog, ano ang motibo sa pambobomba at kasalukuyang isinasagawa ang malawakang imbestigasyon sa insidente.
By Drew Nacino | Ratsada Balita