Sinibak sa pwesto ang 32 tauhan ng embahada ng Estados Unidos sa Cambodia matapos mahuling nagpapakalat ng pornographic material kabilang ang mga videos at larawan kung saan kabilang sa mga makikita ay mga menor de edad.
Misis ng isa sa mga embassy workers ang nakadiskubre ng ilang larawan sa Facebook Messenger chat group kaya nagsumbong ito sa mga opisyal ng embahada.
Pinaimbestigahan naman ng embahada sa Federal Bureau of Investigation ang insidente. Dahil sa naganap na pangyayari, kinumpiska ang identification cards at cellphones ng mga manggagawa.
Ang 32 tauhan ng embahada ay kinabibilangan ng mga Cambodians at Cambodian-Americans. Base sa 2016 report ng US State Department, isa pa rin ang child rape sa mga nangungunang problema sa Cambodia.