Nakauwi na sa bansa ang higit sa 300 OFW’s mula sa Abu Dhabi.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, sakay ng special chartered flight ang mga umuwi nating kababayan.
Sa lungsod ng Davao naman bumaba ang mga 323 na OFW nitong Huwebes.
Ito na ang ikalimang repatriation mula uae nitong buwan at ika-12 sa bansa mula Hunyo 2021.—sa panulat ni Rex Espiritu