Pumalo na sa kabuuang 327 ang bilang ng mga construction workers na nag-positibo sa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isang construction site sa lungsod ng Taguig.
Sa pahayag ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang mga naitalang covid positve sa naturang construction, ang dahilan kung bakit biglang tumaas ang kaso ng nakamamatay na virus sa lungsod nitong mga nagdaang mga araw.
Kasunod nito, nasa 691 mga manggagawa ng construction site ang isinailalim sa swab test at 327 sa mga ito ang lumabas na positibo sa virus.
Paliwanag ng ni Mayor Cayetano, inaasahan pa nito ang pagtaas ng bilang ng kaso dahil sa mas pinaigting na testing ng pamahalaang lokal.
Samantala, tiniyak din ng pamunuan ng lungsod ng Taguig, na may bubuksan pang 500-bed mega quarantine facility sa lungsod para tugunan ang pangangailangan ng mga covid patient.