Nakatanggap ng tulong mula sa Ministry of Social Services and Development-Bangsamorro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) ang 329 benepisyaryo ng Kalinga para sa may Kapansanan Program sa Lanao del Sur.
Isinagawa ang pamamahagi ng 3,000 peso financial assistance sa mga indigent beneficiaries sa Open Gymnasium Municipal Complex sa Barangay Mantapoli, Narantao.
Katumbas ito ng monthly assistance na 500 pesos kada buwan o mula Enero hanggang Hunyo.
Inihatid naman mismo sa bahay ng mga benepisyaryong be ridden ang ayuda. - sa panulat ni Hannah Oledan