Uubra ang 32,000 test kada araw kung walang kakulangan ng supply at equipment ang mga accredited laboratories.
Binigyang diin ito ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos linawing ang sinasabing naabot na 30,000 daily testing capacity ni Presidential Spokesman Harry Roque ay tumutukoy sa tinatayang maximum capacity ng lahat ng licensed laboratories sa buong bansa.
Sinabi ni Vergeire na naka-base sa figures na inilabas ni Roque ang bilang ng mga makina, bilang ng human resources at oras na bukas ang kada laboratory.
Hindi pa aniya kasama rito ang iba pang factors na nakaka apekto sa operasyon ng kada laboratory tulad ng availability ng lab supplies sa merkado, health, human resource issues, equipment issues at maging usapin ng imprastruktura.