Pumalo na sa 33.3 milyong indibidwal o 39% ng eligible population sa bansa ang nakakumpleto na ng kanilang bakuna kontra COVID-19 ayon sa DOH.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ang 39% ay base sa populasyon ng pinapayagang mabakunahan na aabot sa 84 million.
Target ng gobyerno na mabakunahan ang 80% ng mahigit 100 milyong populasyon nito sa pagsapit ng Mayo sa susunod na taon.
Samantala, ayon kay Vergeire, magiging prayoridad ng 3-day national vaccination drive ang pagbabakuna laban COVID-19 sa mga hindi pa nababakunahang indibidwal.—mula sa panulat ni Joana Luna