Tatlumpu’t tatlong (33) armadong militante ang napatay ng government forces sa kanilang mga hideout sa Eastern Nangarhar Province sa Afghanistan.
Ayon sa tagapagsalita ng Army, maliban sa mga napaslang ng security forces ay anim (6) na iba pa ang nasugatan habang dalawampu’t dalawa (22) ang naaresto.
Kasama rin sa mga napatay ang dalawang (2) militant commander habang wala namang iniulat na nasawi sa panig ng security forces.
Hindi naman binanggit kung mga aktibong miyembro ng Taliban o Islamic State ang mga napatay na rebelde.
By Jelbert Perdez