Inilagay ng lokal na pamahalaan ng Pasay City sa 14-day lockdown ang 33 barangay at isang establisimyento sa lungsod.
Ayon kay City Administrator Dennis Acorda, nais ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na isailalim sa lockdown ang bawat barangay na mayroong tatlo o higit pang kaso ng COVID-19.
Ang Pasay ay isang transport hub sa southern Metro kung saan dito matatagpuan ang mga terminal ng bus at airport, gayundin ang maraming recreational at entertainment sites.
Ang lungsod ay sinasabing mayroon nang 7,461 confirmed coronavirus cases kung saan nasa 280 ang aktibong impeksiyon.