Nasa 33 driver ang natiketan dahil sa mga paglabag sa batas trapiko.
Kasunod na rin ito nang isinagawang inspeksyon ng Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Philippine National Police Highway Patrol Group sa mga public utility bus na buma-byahe sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Bahagi ng inspeksyon ang pagtiyak na ang mga pasahero, driver at konduktor ng bus ay nakasuot ng face mask at face shield, gayundin ay naipapatupad ang one-seat-apart rule.
Siniguro rin ng enforcers na gumagana ang thermometer na ginagamit para i-check ang temperatura ng mga pasahero at kung mayroong alcohol o sanitizer na pang disinfect para sa mga pasaherong papasok ng bus.
Ilan sa violations ay hindi tamang pagsusuot ng face mask at face shield, hindi nakasuot ng tamang uniporme ang driver at kulang sa alcohol o disinfectant.