Tinamaan ng COVID-19 ang 33 empleyado ng Supreme Court.
Bunga nito, inirekomenda ng Office of Administrative Services ng mataas na hukuman ang pagtatalaga ng skeleton force hanggang ika-26 ng Marso.
Magugunitang sinuspinde ni Chief Justice Diosdado Peralta ang pasok sa kanilang tanggapan mula ika-11 hanggang ika-14 ng Marso upang bigyang daan ang disinfection sa mga gusali nito na matatagpuan sa Padre Faura sa Maynila.