Sumampa na sa 33 ang bilang ng mga napapaslang na drug personalities sa muling pagbuhay ng PNP o Philippine National Police sa war on drugs.
Batay ito sa tala ng PNP mula March 6 hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga.
Pinakamarami ang napatay na drug suspek sa Region 3 sa bilang na labing anim (16).
Habang sa Metro Manila, isa lamang ang naitalang napatay matapos umanong manlaban.
Sa panig naman ng mga awtoridad, nananatili sa dalawa ang bilang ng mga pulis na nasugatan sa operasyon.
Higit isang libo at walong raan (1,800) naman ang naaaresto na ng pulisya mula sa halos isang libo at dalawang daang (1,200) operasyon na kanilang ikinasa.
Sa ilalim naman ng Oplan Tokhang Revisited, higit anim na libo at tatlong daan (6,300) na ang napapasukong drug user at pusher mula sa higit anim napu’t pitong libong (67,000) kabahayan na kinatok ng pulisya.
By Jonathan Andal (Patrol 31)