Tatlumpu’t tatlo (33) katao ang patay sa pagtaob ng isang bangka sa Niger River sa north western Nigeria.
Ayon sa report, overloading ang sanhi ng nasabing aksidente kung saan unang nasagip ang 84 katao.
Karamihan sa 150 kataong sakay ng nasabing bangka ay mangangalakal mula sa Gaya, rehiyon ng Dosso sa Niger at nakatakdang magtungo sa village market sa Nigeria.
—-