Nakalaya na at nakapiling ng kanilang pamilya nitong Pasko ang 33 preso sa New Bilibid Prisons.
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), 18 PDLs (persons deprived of liberty) ang napalaya sa mismong araw ng Pasko na kinabibilangan ng limang PDLd na napawalang-sala at 13 ang natapos ang sentensya.
Nasa 15 PDLs ang nakalaya din matapos mapagkalooban ng parole noong ika-26 ng Disyembre.
Sinabi ni BuCor Director General Gerald Bantag na maituturing itong best gift sa mga PDL ngayong Christmas season.