33 bangkay, kabilang ang isang fetus, na hindi na-claim mula pa noong nakalipas na taon ang inilibing na sa mass grave sa Barangay Talabaan, Zamboanga City.
Ayon kay Mayor Maria Isabelle ‘Beng’ Climaco-Salazar, ang mga bangkay ay binigyan ng disenteng libing at misa.
Karamihan anya sa mga bangkay ay biktima ng krimen kung saan ang iba ay nakita pa sa mga liblib na lugar.
Walang nagtungo na kahit isang kaanak ng mga biktima kaya’t umabot na ng mahigit isang taon sa pribadong morge ang mga bangkay.—sa panulat ni Drew Nacino