Dapat palaguin ang agrikultura,”
Ito ang solusyon para mahikayat ang mga kabataan na pag-aralan at magka-interes sa industriya ng agrikultura, ayon kay Agriculture Secretary William Dar.
Aniya, kailangang makita ng mga kabataan na kumikita ang mga magsasaka para mahikayat silang sumali sa umano’y “reinvention” ng naturang industriya.
Dagdag pa ng kalihim, mas maganda rin kung gagamit ng teknolohiya sa pagsasaka.
Yung mga apps sa agriculture, mga grown technology, mechanized farming, lahat ng ito ay makakaengganyo sa mga kabataan na bumalik sa kanayunan,’ ani Dar.
Iminungkahi rin ni Dar sa Kamara De Representantes ang pagpapatayo at pagpapaunlad ng agri-entrepreneurship fund sa bansa.
Sinabi ko sa House of Representatives, magtayo tayo ng agripreneurship farm for the younger generation para mayroon na silang capital; zero interest, payable in 5 years,” ani Dar.
Sinagot ni Agriculture Secretary William Dar ang hinaing ng mga negosyante sa General Santos City hinggil sa isyu ng mahirap na paghuli ng tuna sa lalawigan.
Ayon sa mga negosayente, papalayo na raw ng papalayo ang mga tuna at umaabot na raw ang mga ito sa Indonesia at Papua New Guinea.
Depensa ni Dar, hindi tumitigil sa iisang lugar ang mga tuna at patuloy ang paglangoy nito hanggang sa makakita sila ng ligtas na lugar kung saan pwede mangitlog.
Sa kabila nito, hinikayat ng kalihim ang mga commercial fishers na magsagawa ng rebreeding.
We have encouraged the commercial fishers na mag-rebreed sila sa open seas para mas marami silang mahaharvest doon, kaysa yung mga maliliit na barko na hindi makatatagal sa open seas,” ani Dar.
(Balitang Todong Lakas Interview)