Nahihirapan ang mga otoridad na suriin ang mga baboy na natagpuang patay sa creek sa Quezon City dahil sa pagkakabulok nito.
Ayon kay Quezon City Veterinarian Ana Maria Cabel, nasa advance stage na ng decomposition ang mga baboy kaya nahihirapan na silang makakita ng sintomas ng African Swine Fever (ASF).
Mas mainam daw kung susuriin na lamang ang bown marrow ng mga baboy dahil nabubulok na ang ibang lamang loob ng mga ito.
Matatandaang natagpuan ang mga nabubulok na bangkay ng baboy sa isang creek sa Quezon City kahapon ilang araw matapos kumpirmahin ng Department of Agriculture na ASF ang sanhi ng pagkamatay ng ilang baboy sa bansa.