Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seremonya ng pagbabalik loob sa gobyerno ng miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Jamindan, Capiz, Huwebes ng gabi.
Kabuuang 727 ang mga sumukong rebelde na dating miyembro ng Rebolusyonaryong Partidong Manggagawa ng pilipinas, Revolutionary Ploretarian Army, Alex Boncayao-Tabara Paduano group, na may operasyon sa lalawigan ng Capiz.
Sinasaksihan din ng pangulo ang pagwasak sa mga isinukong armas ng rebelde na umabot sa 337.
Naging bahagi rin ng programa ang paggawad ng pabahay at lupa sa mga dating rebelde na ipinangako ni Pangulong Duterte para sa pagsisimula ng mga ito ng bagong buhay.
Maliban dito, pinagkalooban din ang mga sumukong NPA ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng tig P25,000, training mula sa TESDA, Philhealth cards, at iba pang livelihood programs.