Tatlundaan tatlumpu’t limang (335) Filipino athletes, coaches at officials ang isasabak ng Pilipinas sa 18th Asian Games sa Indonesia sa susunod na buwan.
Ayon sa Philippine Olympic Committee, kabuuang dalawandaan pitumpu’t dalawang (272) atleta ang kakatawan sa Pilipinas sa tatlumpu’t isang (31) sports.
Kabilang sa mga lalaban ang BMX rider na si Daniel Caluag, ang nag-iisang Filipino gold medalist sa 2014 Asian Games sa South Korea na dedepensahan ang kanyang titulo ngayong taon.
Inaasahang magpapalakas din sa kampanya ng Philippine delegation ang men’s at women’s dragon-boat teams, women’s softball team at Gilas Pilipinas.
Pasok din sina Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting, Jujitsu specialists Meggie Ochoa at Annie Ramirez, Judokas Kiyomi Watanabe at Mariya Takahashi at gymnast Carlos Yulo.
Lalarga sa Jakarta at Palembagn, Indonesia ang Asian Games simula Agosto 18 hanggang Setyembre 2.
—-