Pansamantalang inihinto ng Department of Health (DOH) ang kanilang kampanya ng bakuna kontra polio sa ilang lugar sa Mindanao na naapektuhan ng pagtama ng malakas na lindol.
Ayon kay DOH secretary Francisco Duque III, prayoridad nila ngayon ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan at volunteers na bahagi ng naturang kampanya.
Ipagpapatuloy naman aniya ang anti-polio vaccination sa mga bata sa ilang lugar sa Mindanao oras na matiyak na ligtas na sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na pagyanig.
Dagdag pa nito, mayroon din aniyang libreng oral anti-polio vaccine sa mga pribadong ospital bukod pa sa mga health centers at mga government hospitals.
Samantala, magugunitang nitong Lunes lamang nang umarangkada ang ‘Sabayang Patak Kontra Polio’ ng DOH sa buong bansa. — ulat ni Aya Yupancgp (Patrol 5)