Umarangkada na simula ngayong araw na ito ang 33rd Philippine Travel Mart sa SMX Convention Center, MOA Complex,Pasay City.
Sa idinaos na opening ceremony, kabilang sa mga nanguna sa ribbon cutting si Ginoong Marvin Estigoy, Vice President for sales and marketing ng Aliw Broadcasting Corporation at insular broadcasting corporation bilang kinatawan ng chairman ng ALC Group of Companies na si D. Edgard Cabangon.
Ayon sa Philippine Tour Operators Association (PHILTOA) tampok sa Philippine Travel Mart ngayong taon ang tatlong daang exhibitors na naka puwesto sa apat na malalaking hall ng SMX convention center.
Isa sa mga exhibitors ang hotel group ng ALC Group of Companies tulad ng Citystate Tower Hotel, Club Ananda at Asturias Hotel at Manila Grand Opera Hotel.
Ipinabatid ng philtoa na nakikiisa rin sa 3-day fair ang 12 rehiyon ng bansa , dahilan man kaya’ itinuturing itong pinakamalaking travel event sa buong bansa , simula ng pandemya.
Binigyang diin ng PHILTOA na titiyakin nilang naiiba ang nasabing tourism event kasunod na rin nang pupusang paghahanda nila para rito.
Ang 33rd Philippine Travel Mart ay inorganisa ng philtoa katuwang ang Department of Tourism at Tourism Promotions Board gayundin ng bank of the Philippines Island, Philippine Air Asia, Turkish Airlines, Cebu Pacific Air, Philippine Airlines at PLDT Enterprise.
Kabilang naman sa media partners ng naturang event ang DWIZ 882, Home Radio 979, Pilipino Mirror, Business Mirror at Philippines Graphic na pawang nasa ilalim ng ALC Media Group of Companies.