Inihayag ngayon ng United Nations (UN) na 34 na bansa sa buong mundo ang wala nang sapat na makain bunsod ng El Niño, kalamidad at digmaan.
Ito’y kung saan 80 porsyento ng naturang mga apektadong bansa ay mula sa Africa.
Batay sa situation report ng food agriculture organization, bumagsak ang agricultural production at lumala ang krisis sa mga bansang Iraq, Syria, Yemen, Somalia at Central African Republic dahil sa mga nangyayaring kaguluhan sa mga nabanggit na bansa.
Dahil dito, lumawak ang problema pagdating sa pangangailangan ng pagkain dahil pilit namang tinitugunan ng ibang bansa ang milyong milyong refugees na walang makain.
Samantala, dahil naman sa matinding init ng panahon dulot ng El Niño, malaki ang ibinaba ng produksyon ng mga pagkaing pang-agrikultura sa Central America at maging sa Caribbean.
By Ralph Obina