Gumagana na ang lahat ng 34 na elevators sa mga istasyon ng Metro Rail Transit System-3 (MRT-3).
Ipinagmalaki ito ng Department of Transportation (DOTr) na nagsabi ring 29 mula sa 46 na escalators ng MRT-3 ay umaandar na rin.
GOOD NEWS!
Gumagana na ang lahat ng 34 na elevators sa mga istasyon ng MRT-3.
Samantala, 29 sa 46 na escalators ng railway ang umaandar na rin. Soon, maaayos na rin ang iba pa.#DOTrPH #SulongMRT3#RailwaysSectorWorks #ComfortableLifeForAll https://t.co/je8ewZXyqw
— DOTrPH (@DOTrPH) September 3, 2019
Tiwala ang DOTr na maaayos din sa lalong madaling panahon ang iba pang escalators.
Ayon sa DOTr, ang pagkumpuni sa mga elevator at escalator ay bahagi ng MRT rehabilitation project na naglalayong ibalik sa high grade design condition ang nasabing transport system.