Sugatan ang 34 katao kasunod ng pagsabog ng isang trak sa Lahore, Pakistan.
Ayon sa lokal na opisyal ng Lahore, inilagay ang bomba sa loob ng isang trak ng prutas saka ito pinasabog sa mataong bahagi ng syudad.
Dahil sa matinding pagsabog, nasira din ang ilang mga kalapit na building at sasakyan.
Inaalam na ng mga awtoridad ang grupong nasa likod ng panibagong pag-atake.
By Rianne Briones