Aabot sa 34-M halaga ng shabu ang nasabat sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bahagi ng Parañaque City.
Kinilala ang suspek na si Kenneth Vito Cruz na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, nakatutok man ang mga tauhan ng PNP sa pagpapatupad ng minimum health standards ngayong panahon ng pandemiya ay hindi parin nila pinababayaan ang kanilang mandato na waasanang kriinalidad at iligal na droga sa bansa.
Dagdag pa ni Eleazar, patunay lamang ito na nagbubunga na ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng PDEA at ng kanilang ahensya para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Sa ngayon, patuloy namang nananawagan sa publiko si General Eleazar na makipagtulungan at sakaling may mapansing kakaibang pagkilos ay agad itong ireport sa kanilang tanggapan. —sa panulat ni Angelica Doctolero