Isinailalim ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ) ang nasa 34 na barangay sa lungsod.
Ito ay bunsod ng pagkakatala ng dalawa o higit pang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga naturang barangay.
Kabilang sa mga isinailalim sa EECQ ang mga barangay ng Tandang Sora, Kalusugan, Ramon Magsaysay, Maharlika, Tatalon, Batasan Hills, Pasong Tamo, Central, San Roque, Paligsahan, Bagong Lipunan ng Crame, South Triangle, Culiat, Bahay Toro.
Gayundin ang, E. Rodriguez, San Isidro Labrador, Matandang Balara, Teachers Village West, Manresa, Paltok, Sto. Domingo, Bagong Silangan, Holy Spirit, Payatas, Marilag, Socorro, Kamuning, Pinyahan, San Isidro Galas, Commonwelath, Pansol, North Fairview, Novaliches Proper at New Era.
Dagdag ng Q.C. LGU, malaki rin ang posibilidad ng pagkakaroon ng mabilis na pagkalat o hawaan ng sakit sa mga nabanggit na barangay.
Sa pinakahuling tala, umaabot na sa 1,910 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.