Tatlo sa bawat 10 Filipino o 34% ang naniniwalang humirap ang kanilang pamumuhay sa nakalipas na isang taon.
Batay ito sa Social Weather Stations (SWS) survey sa 1,440 respondents noong April 19 hanggang 27.
Lumabas din sa survey na 32% ng mga respondent ang nagsabing bumuti ang kanilang pamumuhay habang 34% pa ang nagsabing walang nagbago.
Ang nasabing bilang ay mataas ng 14 points sa negative 16 noong December 2021.
Gayunman, kapos ito ng 20 points o below pre-pandemic level na “very high” +18 na naitala noong December 2019.