Tinatayang 34 na mga palaboy o mga street dwellers at homeless persons ang sinagip ng MDSW rescue team o Manila Department of Social Welfare sa lungsod ng Maynila.
Mababatid na isinagawa ang reach-out operations sa UN avenue sa Roxas Blvd., Dimasalang St., Morayta St., Recto Avenue, at iba pang mga lugar sa lungsod.
Dadalhin ng mga tauhan ng MDSW ang mga nasagip nito sa kanilang rescue facilities.
Paliwanag ni MDSW Director Re Fugoso, regular aniya ang ginagawa nilang ‘reach-out operations’ alinsunod na rin sa direktiba ng liderato ng pamahalaang lungsod ng maynila para protektahan ang mga homeless person at street dwellers kontra COVID-19.